Connect with us

Sports

“16 GAME SWEEP”, naitala ng Ateneo Blue Eagles sa Season 82 ng UAAP Men’s Basketball

Published

on

Nagtala ng makasaysayang 16 sunod na panalo ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa buong season ng UAAP men’s basketball.

Ito ay matapos na maipanalo ng Blue Eagles ang laro kontra University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers sa Game 2 finals ng UAAP Season 82 men’s basketball sa iskor na 86-79.

Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay muling nasungkit ng Ateneo de Manila University ang kampeonato sa naturang torneo.

Muling tinanghal naman na Finals MVP si Thirdy Ravena sa ikatlong sunod na season matapos makapagtala ng 24.5 average points sa series.

Source: ABS-CBN News

Related Article: UAAP 82: What’s the key to Blue Eagles’ 16-0 season? Thirdy explains

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *