Connect with us

Sports

Letran kampeon sa UAAP Season 95 ng men’s basketball

Published

on

San Juan de Letran Knights kampeon sa NCAA Season 95 men's basketball. Photo courtesy| Ben Maniclang via abante.com

Nakuha ng San Juan de Letran Knights ang kampeonato sa NCAA Season 95 men’s basketball nang talunin nito ang no. 1 team na San Beda Red Lions sa iskor na 81-79.

Sa unang quarter pa lang ng laro ay nagpamalas agad ang Letran bago tuluyang malamangan ng Red Lions sa iskor na 26-24.

Nagtuloy-tuloy ang kalamangan ng Letran sa ikalawang quarter ng laro at hindi binigyan ng tsansa ang San Beda na makalamang sa kanila hanggang matapos ang second quarter, 44-38.

Sa huling yugto, matapos na makadikit ang San Beda ng isang puntos ay tinatagan ng Knights ang kanilang depensa hanggang sa maipanalo at masungkit ang titulo sa naturang  torneo.   

Nanguna sa panalo ng Letran ang kanilang main man na si Jerrick Balanza na gumawa ng 27 points at kinilala din bilang Finals MVP.

Ito na ang ika-18 NCAA men’s basketball title ng Letran.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *