Sports
NU Pep Squad, nakuhang muli kampeonato sa Season 82 UAAP Cheerdance Competition

Published
1 year agoon

Ipinakitang muli ng National University ang kanilang bangis sa mga makapigil hiningang stunts at pambihirang sayaw na may temang kultura ng Pilipinas para masungkit ang kampeonato sa Season 82 UAAP Cheerdance Competition sa MOA Arena.
Ito na ang ika-anim na kampeonato ng NU Pep Squad sa loob ng pitong taon.
Nakuha rin ng NU Pep Squad ang Best Toss, Best Pyramid at Best Stunt Awards.
Itinanghal namang first runner-up ang FEU Pep Squad na may temang ‘Michael Jackson’ at nakuha rin nito ang Best Panalo Move Award at first runner-up sa Group Stunts category.
Second runner-up naman ang Adamson Pep Squad at nasungkit din ang second runner-up sa Group Stunts category.
Narito ang listahan ng mga nanalo:
Champion – NU Pep Squad – 722 points
1st runner-up – FEU Cheering Squad – 706 points
2nd runner up – Adamson Pep Squad – 658.5 points
3th runner-up – UST Salinggawi Dance Troupe – 650 points
4th runner-up – UE Pep Squad – 645 points
5th runner-up – UP Pep Squad – 622.5 points
You may like
-
American boxer Ryan Garcia, posibleng makakalaban ni Pacquiao ngayong 2021
-
2 MANLALARO NG LAKERS AT 1 MULA SA BOSTON CELTICS POSITIBO SA COVID-19
-
Manny Pacquiao, pumirma na sa Paradigm Sports Management
-
NBA Legend Kobe Bryant at anak na si Gianna, inilibing na!
-
Kiefer Ravena bagong ”captain” ng Gilas Pilipinas
-
Philippine Jr. Squad swimming team 8 gold ang nilangoy sa Tokyo