Connect with us

Sports

Do-or-Die Game: San Beda kontra Letran sa Finals series ng Season 95 NCAA

Published

on

Photo courtesy| Tristan Tamayo/Inquirer.net

Nakahirit ng do-or-die battle ang San Beda Red Lions ng makuha nila ang panalo sa second game series kontra Letran Knights sa pangunguna ng MVP na si Calvin Oftana sa score na 79-76 kahapon sa kanilang best-of-three Finals series.

Nagsimula na ang engkuwentro ng Letran at San Beda noong nakaraang Martes kung saan nakuha ng Letran ang unanag panalo sa score na 65-64.

Sa darating na Martes, maghaharap muli ang magkaribal para pag-agawan ang titulo ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa MOA Arena.

Samantala, dinomina ng Lions ang Mythical Five sa pangunguna ni MVP Oftana sa individual awarding rites bago nag-umpisa ang Game 2 ng Finals.

Napili rin si Cameroonian import Donald Tankoua bilang Best Foreign Player at si Justine Arana ng Arellano Chiefs bilang Rookie of the Year at si Fran Yu ng Letran naman ang Most Improved Player.

Source:  ABS-CBN News

                Philstar.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *