Connect with us

Sports

Pinay archer, umasinta ng ginto sa Macau Tournament

Published

on

Andrea Robles. Photo courtesy of World Archery via PNA

Asintadong sinindak ng Pinay archer na si Andrea Robles ang mga katunggali upang makuha ang gintong medalya sa ginanap na 2019 Macau Indoor Archery Open.

Tinalo ng 21-anyos na si Robles sa semi-finals ang pre-tournament favorite na si Sarah Prieels ng Belgium bago nito gibain si Paige Pearce ng United States sa final.

Ang pagkapanalo ni Robles sa Macau ay isang magandang preparasyon para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Desyembre 11 na gaganapin sa bansa.

Si Robles ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Ateneo nitong taon.

Source: Philippine News Agency

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *