Connect with us

Sports

UST Tigers balik-finals sa UAAP Season 82

Published

on

Photo courtesy| ABS-CBN News

Balik sa UAAP Final ang University of Santo Tomas (UST) matapos talunin ang University of the Philippines (UP) sa playoffs nitong Miyerkules ng gabi sa Mall of Asia Arena sa score na 68-65.

Sa huling 23.6 segundo, nagpakitang-gilas si Renzo Subido ng maipasok nito ang triple shot resulta nang pagkatalo ng UP Fighting Maroons at dumiretso sa Finals ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament.

May tsansa sana ang UP para umabot sa overtime ang laro pero pumalya ang tira ni James Spencer sa three-point line.

Sunod na makakaharap ng UST Growling Tigers ang Ateneo De Manila Blue Eagles sa Sabado, November 16 sa Smart Araneta Coliseum.

Huling nagkasagupaan ang Tigers at Eagles sa UAAP Finals noong 2012 kung saan nakuha ng Ateneo ang huli sa limang sunod nilang kampeonato.

Source: Philstar.com/pang-masa

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *