Connect with us

Sports

2 Pinay gymnasts wagi ng ginto sa Hungary

Published

on

Breanna Labadan (kaliwa) at Daniela Reggie dela Pisa (kanan). Photo courtesy| Philippine Athletes at Multi-Sport Event

Namayagpag ang dalawang Pinay gymnasts na sina Breanna Labadan at Daniela Reggie dela Pisa sa prestihiyosong 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnastics Meet na ginanap sa Hungary.

Unang nakasungkit ng ginto ang 13-anyos na si Labadan sa Junior Individual All Around.

Inangkin naman ng 16-anyos na si dela Pisa ang ginto sa Senior Individual All Around event.

Sunod na sasabak si Dela Pisa sa 2019 Southeast Asian Games na isasagawa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kapwa myembro sina Labadan at dela Pisa ng National Women’s Rhythmic Gymnastics Team.

Source: Philstar

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *