Connect with us

Sports

NBA: Trail Blazers forward Collins, pahinga muna ng 4 buwan matapos ang surgery

Published

on

Photo from the web.

Mamamahinga muna ng apat na buwan ang Portland Trail Blazers forward na si Zach Collins matapos sumailalim sa operasyon ng kanyang kaliwang balikat.

Ayon kay Neil Olshey, Trail Blazers president of basketball operations, muling susuriin si Collins sa Marso pagkatapos ng kanyang pagpapagamot.

Natamo ni Collins ang naturang injury sa ikatlong quarter kontra Dallas noong Oktobre 27.

Sa naturang laro ay nanalo ang Portland sa score na 121-119.

Ang 7-footer na si Collins, ay pangsampung overall pick sa 2017 NBA Draft at nakapagtala ng average 5.7 points and 3.8 rebounds sa kanyang 146 career NBA games.

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *