Connect with us

Sports

PBA: Kelly Nabong pinagmulta ng P30,000 dahil sa flagrant foul

Published

on

Larawan mula sa PBA image

Pinatawan ng P30,000 fine si Kelly Nabong ng San Miguel Beer dahil sa ‘hard hit’ nito kay Chris Newsome ng Meralco sa kanilang laro sa 2019 PBA Governors’ Cup nitong Linggo.

Nangyari ang flagrant foul sa 7:46 mark ng fourth quarter kung saan tila nag-undercut si Nabong kay Newsome na bumagsak sa court.

Larawan mula sa PBA Image Facebook photo

Unang tinawagan ng flagrant foul penalty 1 si Nabong dahil sa ginawa nitong play pero nasundan ito ng technical foul dahil sa pakikipag-sagutan kay Bolts center Raymond Almazan.

Nagbabala naman si PBA commissioner Willie Marcial na mahaharap si Nabong sa mas mataas na multa na may suspensyon kapag muli itong napaaway.

Sa naturang laro ay nanalo ang Meralco kontra San Miguel sa score na 125-99.

Source| Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *