Connect with us

Sports

Pinoy Swimmer linangoy ang 4 silver, 1 bronze sa PSI Grand Prix

Published

on

Marc Bryan Dula. Larawan mula sa Philstar

Linangoy ni Philippine Swimming League-Swimming Pinas standout Marc Bryan Dula ang apat na pilak at isang tansong medalya sa ginanap na 2019 Philippine Swimming Inc. (PSI) Short Course Grand Prix National Championships sa Trace College Aquatic Center sa Los Baños, Laguna.

Makapigil-hiningang nasungkit ng Palarong Pambansa multi-gold medallist ang apat na pilak sa 1,500m freestyle event boys’ 13-year category, 50m backstroke, 100m backstroke, 200m backstroke.

Nakuha naman ni Dula ang tansong medalya sa 400m freestyle category.

Pinaghahandaan ni Dula ang pagsalang nito sa qualifying tournament para sa 2020 Palarong Pambansa at maging sa ilang international tournaments na lalahukan nito sa susunod na taon.

Produkto si Dula ng PSL grassroots development program ng namayapang si dating PSL president Susan Papa.

Source: Philstar

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *