Sports
Pinoy chess player, kampeon sa Thailand

Published
1 year agoon

Pinisak ni 2nd SIKLAB Sports Youth Awards 2019 awardee International Master Daniel Quizon ang mas may edad na katunggali para tanghaling kampeon sa Pattaya Chess Club Open 2019, Blitz A division sa Thailand.
Nakalikom ang 15-anyos Pinoy woodpusher ng siyam na puntos sa 11 rounds Swiss sytem.
Pinatumba ni Quizon sa penultimate round si Thai Tupfah Khumnorkaew at sa last round na si CM Richarg Persson ng Sweden.
Tatlong Pinoy woodpushers ang nagsiksikan sa pangalawang puwesto pero ng ipatupad ang tie-break points ay second place si Kimuel Aaron Lorenzo; third si Vladimir Gonzales at fourth ang coach ni Quizon na si FIDE Master Roel Abelgas.
Pinoy din ang umukopa ng fifth at sixth place na sina Portugalera at FM Sander Severino.
Mahigit 41 manlalaro ng 11 bansa ang sumali sa naturang torneo.
Source: Abante Tonite
You may like
-
American boxer Ryan Garcia, posibleng makakalaban ni Pacquiao ngayong 2021
-
Thai woman, senentensyahan ng 43 taong pagkakabilanggo matapos insultuhin ang Royal Family sa Thailand
-
2 MANLALARO NG LAKERS AT 1 MULA SA BOSTON CELTICS POSITIBO SA COVID-19
-
Manny Pacquiao, pumirma na sa Paradigm Sports Management
-
NBA Legend Kobe Bryant at anak na si Gianna, inilibing na!
-
Kiefer Ravena bagong ”captain” ng Gilas Pilipinas