Connect with us

Sports

Pinay weightlifter 3 medalya ang binuhat sa International Competition

Published

on

Larawan mula sa Asian Weightlifting Federation Facebook post

Nakapagdalang muli ng karangalan ang isang Pinay athlete sa bansa.

Binuhat ng Pinay weightlifter na si Vanessa Sarno ang isang gintong medalya at dalawang silver medals sa 2019 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships nitong Octobre 25 na ginanap sa Pyongyang, North Korea.

Larawan mula sa Asian Weightlifting Federation Facebook post

Nanguna si Sarno sa 71-kilogram youth women’s division nang makapagbuhat ito ng total 209 kilograms.

Nakuha rin nito ang silver medal ng makapagbuhat ito ng 118 kg sa clean and jerk category.

Samantala, si Ju Hyang ng North Korea ang nakasungkit ng gold medal sa clean and jerk ng mabuhat nito ang 119kg.

Ang pambato naman ng Uzbekistan na si Nigora Suvonova ang nakakuha ng tatlong bronze medals.

Maliban kay Sarno, nakapag-uwi rin ng silver at bronze medals si Chariz Macawli sa 40-kg youth women’s division at bronze medal naman ang nakuha ni Rosegie Ramos sa women’s 49 kg.

Source: Inquirer.net

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *