Connect with us

Sports

Pinay fencer, nasungkit ang gold sa Asian U23 Fencing Tournament

Published

on

Samantha Kyle Catantan flashes her gold medal. Photo courtesy| Inquirer.net via Samantha Kyle Catantan Facebook post

“My first Asian gold medal! My heart!” – Samantha Kyle Catantan

Nasungkit ng Pinay pride na si Samantha Kyle Catantan ang gintong medalya sa Women’s individual foil competition sa Asian Under 23 Fencing Championships nitong Huwebes sa Bangkok.

Tinalo ng pambato ng Pilipinas ang katunggali nitong si Choi Yu Min ng South Korea sa score na 15-19 sa finale kasunod ng pagkapanalo nito sa semifinal laban kay Choi Minseo ng Japan sa score na 15-14.

Unang nakasungkit ng medalya sa international competition si Catantan noong 2017 sa Southeast Asian Games ng silver medal.

Naging MVP awardee din siya ng sa University of the East sa UAAP’s junior division.

Source: Inquirer.net

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *