Connect with us

Sports

Toronto raptors tumanggap ng 650 diamond 2019 NBA Championship rings

Published

on

Larawan mula sa Toronto.ctvnews.ca/sports.net.ca

Hawak na ng Toronto Raptors ang pinakamalaking championship rings sa buong kasaysayan ng NBA.

Ang bawat singsing ay mayroong higit sa 650 na dyamante.

Sa harapan ng singsing mayroong 74 na dyamante na kumakatawan sa bilang ng panalo ng raptors sa loob ng 2019 season.

Mayroon din itong isang malaking 1.25 karat na dyamante sa gitna na sumisimbolo sa unang NBA title sa kasaysayan ng koponan.

Makikita rin sa singsing ang 16 rubies at 16 jersey numbers na kumakatawan sa bilang ng manlalaro ng raptors pati na rin ang Toronto skyline, Scotiabank Arena pati na ang chevron logo.

Sa loob naman ng singsing nakaukit ang isang maple tree na may isang ruby, personalized na mensahe para sa mga players at series score ng kanilang laro.

Ito ang pinakamalaking NBA championship ring na ginawa ng Baron Championship Rings.

Labis naman ang pasasalamat ni five-time All-Star guard Kyle Lowry sa mga walang sawang sumuporta sa kanilang grupo.

Read more/Source: ESPN

Toronto.ctvnews.ca

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *