Connect with us

Sports

NBA star rookie Zion Williamson, dalawang buwan na hindi makapaglalaro dahil sa knee injury

Published

on

Larawan mula kay Tyler Kaufman/Associated Press

Dalawang buwan na hindi makapaglalaro si New Orleans Pelicans rookie forward Zion Williamson.

Ito ay matapos na sumailalim si Williamson sa arthroscopic surgery sa kaniyang kanang tuhod.

Inaasahan pa naman ng NBA fans ang paglalaro ni Williamson sa unang laban ng New Orleans sa pagbubukas ng NBA season kung saan makakalaban ng koponan ang Toronto Raptors.

Sa kabila nito, masayang ibinalita ng koponan na tagumpay ang knee surgery ni Williamson.

Ang 19 anyos na si Williamson ang top pick sa 2019 entry draft ng NBA.

Via/Source: DZIQ Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *