Connect with us

Sports

Swimmer Triza Tabamo, nilangoy ang 6 ginto sa Japan swim meet

Published

on

Photo courtesy| Philstar

Hinakot ni Philippine Swimming League (PSL) standout Triza Tabamo ang anim na gintong medalya sa 2019 Buccaneers Invitational Swimming Championship na ginanap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.

Namayagpag si Tabamo sa girls’ 11-12 division sa 50m butterfly kung saan winasak nito ang open record ni Swimming Pinas tanker Micaela Jasmine Mojdeh.

Nangibabaw din si Tabamo sa 100m butterfly sa bilis na isang minuto para burahin ang kanyang  lumang area record.

Nakuha rin ni Tabamo ang iba pang ginto sa 50m backstroke, 50m freestyle, 100m freestyle at 200m freestyle .

Bukod pa rito, nasungkit din ng young swimmer ang Most Outstanding Swimmer award sa girls’ 11-12 division.

Source: Philstar

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *