Connect with us

Sports

PINAY BOXER, SUMUNTOK NG GOLD MEDAL SA WORLD CHAMPIONSHIP

Published

on

Photo| Rmn.ph

Ginulat ni pinay boxer Nesthy Petecio ng kanyang suntok si Russian boxer Liudmila Vorontsova sa pagsungkit nito ng gintong medalya sa 2019 Aiba Women’s World Boxing Championships sa Russia.

Wala pang 24 oras matapos ang panalo ng Filipino gymnast Carlos Yulo, ay muling inangat ni Petecio ang bandila ng Pilipinas sa pamamagitan ng split decision matapos ang 3 rounds.

Pumabor sa 27-year-old, 5-foot-2 Davaoeña ang mga judges mula sa Australia, Korea at Ireland habang ang Japan at Argentina ay bumoto kay Vorontsova.

Kinagalak ni Alliances Boxing Association in the Philippines (ABAP) president Victorico Vargas ang pagkapanalo ng Pinay boxer at deserving anya ito sa panalo hindi lamang sa ipinakitang laban kundi sa mga inakripisyo nito.

Nesthy desereved the win. Not only because she fought brilliantly but also because she sacrificed so much for this, I am shedding tears of joy for her,” pahayag ni Vargas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *