Connect with us

Sports

Football Superstar David Beckham, bibisita sa Pinas ngayong buwan

Published

on

Beckham bibisita sa Pinas

Bibisita sa Pinas ang football superstar na si David Beckham para sa isang Expo na gaganapin bukas, Oktubre 13.

Si Becham ay makikibahagi sa AIA Philam Life Live Better Expo, isang wellness and protection summit na gaganapin sa Enderun Tent sa Taguig City.

We are thrilled to have David Beckham join us and share his daily wellness journey at the Live Better Expo,” ani Philam Life Chief Marketing Officer Leo Tan.

His healthy and active lifestyle best exemplifies what our brand promise of living a Healthier, Longer and Better Life means. We are happy to have him in Manila and inspire Filipinos to also embrace and bring to life our brand promise,” dagdag pa niya.

Ambassador for healthy lifestyle

Layon ni Beckham na ipahayag sa publiko ang mga mabuting dulot ng well-balanced lifestyle. 

Si Beckham ay piniling ambassador ng AIA sapagkat naniniwala silang magiging epektibo si Beckham sa pagtulong sa mga tao na magkaroon ng “longer, healthier, better lives”

Matatandaan na noong pumirma si Beckham ng kontrata sa AIA, sinabi niya na siya ay kaisa ng kumpanya sa pagsusulong ng healthy lifestyle para sa mga tao.   

Joining the AIA family was an easy decision for me. I am a passionate believer in the value of wellness and maintaining a healthy lifestyle and I share AIA’s commitment to encourage people to take charge of their health.” Ani Beckham.

Throughout my career in elite sport, and in my role as a parent, I have always tried to be the best I can be by training hard and setting a positive example to those around me. I am looking forward to working closely with AIA and supporting the Company’s efforts to improve the quality of people’s lives across the Asia-Pacific region.” dagdag pa niya.

Sisimulan ang Expo sa isang football clinic na pamumunuan ni Philam Life 7s Football League Commissioner Anton Del Rosario.  Magiging katuwang niya si Beckham, na sikat dahil sa kanyang range of passing, crossing ability at bending free-kicks bilang right winger.

Itatampok din ng nasabing event ang mga lifestyle sessions kasama ang mga Philam Life Brand Ambassadors na sina Nico Bolzico, Solenn Heusaff, Raymond Gutierrez, at Wil Dasovich.


Erwan Heussaff sinagot ang mga netizens sa pagtawag kay Anne na “Walang Respeto!” dahil sa sexy film role

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *