Published
1 year agoon
Tumanggap ng pagkilala ang tatlong basketball cagers na sina Ray Parks Jr., Leo Avenido at Jerick Canada sa kanilang ‘significant contribution’ simula noong 2009.
Kinilala ang tatlo sa isa sa mga Top 10 Players of all-Time sa Asean Basketball League na inanunsyo nitong Huwebes sa Conrad Manila.
Ang one time champion na si Parks Jr. ang unang ABL player na nakakuha ng tatlong Local Most Valuable Player awards sa paglaro niya sa San Miguel Alab Pilipinas noong 2018 habang si Avenido ay nakapaglaro sa limang team sa ABL at ginawaran din ng MVP award nang siya ay nasa San Miguel Beermen noong 2012.
Si two time champion Canada naman ay naglaro sa Indonesia Warriors noong 2012 at siya rin ang 2014 Finals MVP habang nasa Hi-Tech Bangkok.
Kasama sa Top 10 sina world imports Xavier Alexander, Chris Charles, Marcus Elliott, Steve Thomas, Thai forward Attaporn Lertmalaiporn, Singaporean guard Wong Wei Long at Indonesian playmaker Mario Wuysang.
Source: Sports.ABS-CBN
American boxer Ryan Garcia, posibleng makakalaban ni Pacquiao ngayong 2021
2 MANLALARO NG LAKERS AT 1 MULA SA BOSTON CELTICS POSITIBO SA COVID-19
Manny Pacquiao, pumirma na sa Paradigm Sports Management
NBA Legend Kobe Bryant at anak na si Gianna, inilibing na!
Kiefer Ravena bagong ”captain” ng Gilas Pilipinas
Philippine Jr. Squad swimming team 8 gold ang nilangoy sa Tokyo