Connect with us

Sports

James Yap hindi makakapaglaro ng dalawang linggo dahil sa injury

Published

on

Photo by PBA Images

Dalawang linggong hindi makakapaglaro si James Yap para sa Rain or Shine sa patuloy na PBA Governor’s Cup

Ito ay matapos magtamo ang 2-time most valuable player ng groin injury laban sa Magnolia noong nakaraang Linggo.

Nakuha ni Yap ang injury sa ikalawang quarter ng laban sa gitna ng shot ni Magnolia import Romeo Travis.

“He’s out for at least two weeks yata,” wika ni Rain or Shine coach Caloy Garcia.

“Hindi niya na raw kaya. Masakit daw. So we didn’t want to gamble with that,” wika ni  Garcia.

Natalo sa laban ang Rain or Shine na nagtapos sa iskor na 69-68.

Magugunitang nagtamo ng kaparehong injury ang basketball veteran sa kasagsagan ng PBA Commissioner’s Cup noong Hunyo.

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *