Connect with us

Sports

Gymnasts Carlos Yulo pasok na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics

Published

on

PHOTO COURTESY:

Sasabak sa 2020 Olympic Games ang Pinoy pride na si Carlos Edriel Yulo matapos makakuha ng posisyon sa men’s all-around preliminaries sa 49th Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany.

Nakapagtala ang 19-ayos ng total iskor na 82.164 points at sa kanyang best output sa floor exercise ay nakakuha ito ng 14.633 points.

Si Yulo ay ang ikalawang Pinoy Olympic qualifier sa 2020 Tokyo Games matapos si pole vaulter Ernest John Obiena.

Nauna nang kumuha ang 4-foot-11 gymnast ng gold medal sa floor exercise sa opening leg ng 2019 FIG Apparatus World Cup noong Pebrero sa Melbourne, Australia at tansong medalya sa parehong event sa Doha, Qatar.

Source: CNN Philippines

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *