Nasungkit ng dalawang pinoy divers ang tatlong gintong
medalya sa patuloy na pagganap ng 10th Asian Age Group Championships
sa India.
Unang nasungkit ng pride ng Bacolod na si Monique Ann Demaisip ang dalawang gintong medalya sa Women’s 1-meter Springboard Individual Open event at 3-meter Women’s Springboard Individual Open event.
Ito ang naging kauna-unahang internasyonal competition na sinalihan ni Demaisip.
Samantala, nakuha naman ni Deo Francisco ang ikatlong gintong
medalya sa pakikipakumpitisyun sa 3-meter Men’s Springboard Individual Open
event.
Source: sports.mb.com