Connect with us

Sports

15-MAN Gilas pool na sasabak sa 2019 Southeast Asian Games, inanunsyo na!

Published

on

Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP/ Facebook Photo

Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang labin-limang players ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Anim sa 15-man Gilas players ay mula sa PBA crowd favorite na Barangay Ginebra na sina Art Dela Cruz, LA Tenorio, Stanley Pringle, Greg Slaughter, Scottie Thompson at Japeth Aguilar.

Kasama rin sa listahan ang Gilas-SEA Games line-up na sina Chris Ross, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Troy Rosario, RR Pogoy, Jayson Castro, Matthew Wright at Vic Manuel.

Inihayag ang mga miyembro ng national basketball team nang ianunsyo ang bagong Gilas head coach na si Tim Cone.

Aniyani Cone, sisikapin nila ang magandang performance ng Gilas sa SEA Games matapos ang zero-win record ng koponan sa FIBA World Cup sa China.

Source: Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *