Connect with us

Sports

Ex-NBA player, binaril-patay sa Dallas

Published

on

Andre Emmett | Big3.com Photo

Patay ang dating NBA player na si Andre Emmett sa pamamaril sa Dallas,Texas.

Ang pagkamatay ng 37-anyos ay kinumpirma ng Texas tech basketball sa kanilang Twitter account.

Ayon sa Dallas police, nakaupo lamang sa labas ng kanyang bahay si Emmett nang lapitan ito ng dalawang armadong lalaki.

Nagkaroon muna nang pagtatalo sa pagitan ng mga suspek at ni Emmett bago ito tuluyang binaril.

Naisugod naman agad si Emmett sa ospital ngunit binawian na ito ng buhay.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbistigasyon ng mga pulisya sa naturang na insidente.

Samantala, si Andre Emmett ay former Texas Tech University star at naging bahagi ng BIG3 family sa dalawang season.

Read More –  https://www.talkbasket.net/53356-texas-tech-university-legend-andre-emmett-reportedly-shot-killed

Source: Talkbasket.com/Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *