Sasabak ang
Golden State Warriors star Stephen Curry upang maglaro para sa Estados Unidos
sa 2020 Tokyo Olympics.
Sa isang panayam
kay Curry, sinabi nito na talagang gusto niyang maglaro sa Olympics sa
kadahilanang wala pa siyang nasalihang kahit anong koponan na sumabak sa
naturang international tournament.
Bagamat
nakalaro na ito sa dakawang koponan na nakakha ng gold medal sa World Cup
championships, aniya’y iba rin ang karanasan sa Olympics.
Siniguro pa
rin ng three-time NBA champion at two-time MVP na “best team” pa rin ang US
kahit ang bansa ay nasa ika-pitong pwesto sa FIBA World Cup sa China.
Target din
umano na makasama sa US line-up ang iba pang NBA stars gaya nina Lebron James,
James Harden, Kawhi Leonard, Russel Westbrook, Anthony Davis at Paul George
Source:
Radyo Inquirer