Sports
9-golds, nasungkit ng Philippine Masters athletics team

Published
1 year agoon

Humakot ang national masters athletics team ng siyam na gintong medalya sa 9th Sabah Masters Athletics Championships na ginanap sa Likas Stadium sa Kota Kinabalu, Malaysia.
Unang nagpasiklab ang Pinoy tracksters na si Dennis Scott matapos makuha ang apat na gintong medalya sa 70-74 age category.

Sinundan naman ito ni Philippine Masters Association president Emerson Obiena ng dalawang gintong medalya sa men’s 50-54 category.
Hindi rin nagpahuli si Jonji Villa ng masikwat nito ang kanyang unang gold medal sa men’s 60-64 discus throw international tournament.
Wagi rin ng ginto sina Judith Staples sa women’s 45-49 discus throw at Salve Bayaban sa women’s 55-59 200m.
Gayunpaman, nakakuha rin ng dalawang pilak sa discus throw at 100m hurdles si Obiena at tanso rin kay Bayaban sa 100m dash category.
Source: Philstar/pang-masa/pm-sports
You may like
-
HIDILYN DIAZ BINUHAT ANG 3 GINTONG MEDALYA SA WEIGHTLIFTING ROMA WORLD CUP
-
CHERRY MAE REGALADO, HANGAD MASUNGKIT ANG GINTO SA 2019 SEA GAMES
-
Curry, hindi pang Hall of Fame – Jordan
-
5 Philippine boxers asam ang ticket sa 2020 Japan Olympics
-
FIBA WORLD CUP | Gilas Pilipinas natapos na ang kampanya nang walang panalo
-
FIBA: Gilas Pilipinas tanggal na sa automatic Olympic slot