Connect with us

Sports

Batang Pinoy, humakot ng 5 gold medal sa 2019 Pampanga Friendship Meet

Published

on

Masville National High School-Parañaque student Marc Bryan Dula displays his medals during the awarding ceremony of the 2019 Pampanga Friendship Meet. The Manila Times/Photo

Hinakot ng Philippine Swimming League (PSL) ace tanker na si Marc Bryan Dula ang limang gintong medalya sa 2019 Pampanga Friendship Meet na ginanap sa San Fernando City.

Unang nagpakitang gilas si Dula sa 100m Individual Medley kung saan nakatala siya ng isang minuto at 9.91 segundo para maangkin niya ang unang ginto.

Sinundan naman agad nito ang apat na pagkapanalo  sa 50m butterfly, 50m backstroke, 50m breaststroke at 50m freestyle.

Dahil dito, siya ay itinanghal na ‘Most Outstanding Swimmer (MOS) sa torneo.

Marc Bryan Dula | The Manila Times/File Photo

Sinabi ni PSL President na si Alexandre Papa, na magandang isalang si Dula sa iba’t ibang mga kumpetisyon upang masukat ang kanyang kasanayan upang mas mapabuti ang kanyang oras sa mga sasalihang torneo.

“We are exposing him to different competitions to gauge his skills. It’s totally different competing against new faces that’s why we op­ted to join other tournaments to further improve his times,” ani PSL president Ale­xandre Papa na siyang hu­mahawak sa training program ni Dula.

Ang Masville National High School Parañaque student ay naghahanda ngayon para sa iba’t ibang international competitions.

Source: Philstar Ngayon |https://www.philstar.com/pilipino-star ngayon/palaro/2019/09/16/1952101/dula-lumangoy-ng-5-golds

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *