Connect with us

Sports

FIBA WORLD CUP: Spain nakuha ang kampeonato

Published

on

Spain wins gold at FIBA World Cup | FIBA Basketball World Cup/photo

Nakuha ng Spain ang kampeonato sa 2019 FIBA World Cup nitong Linggo matapos talunin ang Argentina sa iskor na 95-75.

Ito ang kauna-unahang beses na nasungkit muli ng España ang kampeonato mula pa noong 2006.

Sa pag-uumpisa pa lang ng laro ay nanguna agad ang Spain na nakapuntos hanggang matambakan nila ang 2004 Olympic champions Argentina.

Nakapagtala ang kanilang point guard Ricky Rubio ng 20 puntos at three assists at itinanghal na ‘Most Valuable Player.’

Gayundin ang NBA champion raptor na si Marc Gasol na nakagawa ng 14 puntos, 7 rebounds at 7 assists na nakapagpanalo sa kanilang koponan.

Siya na rin ang pangalawang NBA player na nakasungkit ng dalawang kampeonato sa isang taon.

Ang panalo ng Spain ngayong 2019 ang ikalawang beses na panalo nila sa torneo sa loob ng Asya matapos talunin ang Greece sa Saitama, Japan noong 2006.

Read more: https://news.abs-cbn.com/sports/09/15/19/fiba-world-cup-spain-is-champion-after-beating-argentina-95-75

Source: ABS-CBN Sports

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *