Connect with us

Sports

Yeng Guiao nagbitiw na bilang coach ng Gilas Pilipinas

Published

on

Inquirer photo

Nagbitiw na si Yeng Guiao bilang head coach ng Gilas Pilipinas.

Ito ay inanunsiyo ni Guiao nitong Miyerkules, isang araw matapos na makabalik ang koponan mula sa China para sa 2019 FIBA World Cup.

Layunin ni Guiao, na makapili pa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng mas matatag na programa para maabot ang hangarin na makalaban ang mga magagaling na manlalaro sa buong mundo.

“I am stepping down, as of today, as the head coach of the Gilas men’s basketball team, in order to give the SBP a free hand in building and developing a program towards achieving our objective of competing with the best of the best,” sinabi ni Guiao.

Humingi rin umano ito ng paumanhin dahil sa hindi naging maganda ang performance ng koponan sa FIBA.

Si Yeng Guiao ang isa sa mga pinaka respetadong coaches sa bansa.

Nakapagtala ito ng pitong beses nang naging PBA champion at dalawang beses na nanalong “PBA Coach of the Year.”

Source: KAMI.com.ph | https://kami.com.ph/95889-yeng-guiao-nagbitiw-na-bilang-head-coach-ng-gilas-pilipinas.html

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *