Sports
5 Philippine boxers asam ang ticket sa 2020 Japan Olympics

Published
1 year agoon

Sisimulan na ng limang Pinoy boxers ang nais nilang tiket sa 2020 Olympic Games sa Tok-yo, Japan sa pagsabak nila sa isang prestihiyosong 2019 AIBA World Boxing Championships na gaganapin sa Yekaterinburg, Russia.
Isa sa mapalad na naka-abante sa second round ng men’s flyweight class (52 kgs.) si Carlo Paalam kung saan nabigyan ito ng bye sa opening round.
Aarangkada rin sina Southeast Asian Games champions Eumir Felix Marcial at John Marvin gayundin sina Ian Clark Bautista at James Palicte sa kani-kanyang kategorya.
Ang Association Internationale de Boxe Amateur (AIBA) ay isang internasyonal tournament para sa mga amateur na mga boksingero sa kung sino ang tatanghaling kampeon sa kumpetisyon.
Target ng five-man national boxing team na mahigitan ang isang tansong medalyang nakamit nito noong 2015 sa torneong qualifying event ng 2020 Olympics.
You may like
-
HIDILYN DIAZ BINUHAT ANG 3 GINTONG MEDALYA SA WEIGHTLIFTING ROMA WORLD CUP
-
Pinoy boxers pokus na sa 2020 Tokyo Olympics
-
CHERRY MAE REGALADO, HANGAD MASUNGKIT ANG GINTO SA 2019 SEA GAMES
-
Curry, hindi pang Hall of Fame – Jordan
-
Ramirez, hangad ang 20 athleta na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics
-
Gymnast Yulo at Boxer Petecio instant milyonaryo