Connect with us

Sports

FIBA WORLD CUP | Gilas Pilipinas natapos na ang kampanya nang walang panalo

Published

on

FIBA Photo

Natapos na ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup ng walang panalo.

Nitong Linggo ng gabi, tinalo ng Iran ang Gilas sa iskor na 95-87 sa classification phase sa Beijing Wukesong Sports Center, China.

Dahil sa pagkatalong muli ng Pilipinas ay nasa huling pwesto sila ng classification group.

Ang noo’y nasa ika-29 na pwesto ay napunta sa 32nd place sa final ranking.

Hindi na rin makakasama sa Olympic Qualifying Tournament ang Gilas dahil ang top 16 lamang ang makakapasok na siyang lalaban sa walong qualifiers para makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.

Gayunpaman, makakasali lamang ang Pilipinas kapag isa sila sa piniling koponan ng FIBA para sa wildcard slot.

Read more –  https://news.abs-cbn.com/sports/09/08/19/hot-start-fizzles-vs-iran-as-gilas-ends-fiba-world-cup-winless

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *