Sports
FIBA: Gilas Pilipinas tanggal na sa automatic Olympic slot

Published
1 year agoon

Talo nanaman ang Gilas Pilipinas sa ginawang classification game ng 2019 FIBA World Cup sa Guangzhou laban sa Tunisia sa score na 86-67.
Ito na ang ika-apat na pagkatalo ng Gilas sa torneo kasunod ng laban nito sa Italy, Serbia at Angola.
Dahil dito ay tanggal na sa automatic spot ang Gilas para makasali sa 2020 Tokyo Olympics.
Bagamat talo ay may tsansa pa rin ang Gilas Pilipinas na makapasok sa Olympic sa pamamagitan ng Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa susunod na taon.
Sa kabila nito, nagpahayag pa rin ng suporta ang palasyo para sa koponan.
“Verily, its not always winning that counts; it is how the game is played. Our Filipino players honorably competed with grit and passion today, and for that they deserve our admiration,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
You may like
-
Kiefer Ravena bagong ”captain” ng Gilas Pilipinas
-
HIDILYN DIAZ BINUHAT ANG 3 GINTONG MEDALYA SA WEIGHTLIFTING ROMA WORLD CUP
-
24-man Gilas pool para sa FIBA Asia inilabas na
-
CHERRY MAE REGALADO, HANGAD MASUNGKIT ANG GINTO SA 2019 SEA GAMES
-
Curry, hindi pang Hall of Fame – Jordan
-
Jason Castro, balik Gilas para sa 2019 Sea Games