Sports
FIBA: Gilas Pilipinas ‘must-win’ game vs Angola

Published
1 year agoon
Gilas Pilipinas titiyaking ipanalo ang huling ‘must-win’ game laban sa Angola sa Group D ng FIBA World Cup mamaya na gaganapin sa Foshan International Sports and Cultural Center sa China.
Ayon kay Gilas center Jun Mar Fajardo at rookie guard CJ Perez, dapat nilang maipanalo ang laro sa Angola nang sa gayon ay tumaas sila sa world ranking at nang makabawi sa mga kababayan at sa kanilang coach.
“Siyempre, kailangan nating manalo para ‘yun nga, dadalhin natin ‘yun doon sa classification. Then may chance tayo para tumaas ‘yung world ranking natin,” said Fajardo after the Philippine team wrapped up its practice at the Foshan International Sports and Cultural Centere here.
CJ Perez, the rookie guard who has been the Philippines’ most consistent performer in the World Cup, added: “Kailangan namin ipanalo ‘yung game bukas para makabawi naman kami sa mga kababayan natin and sa kila coach.”
Sinabi naman ni coach Guiao, magiging maganda at mahigpit ang laro dahil ito ay kanilang ka-level kumpara sa naunang nakaharap ang Italy at Serbia lalo na at kapwa eliminated sila sa second round sa group round ng tournament.
“I feel Angola is a strong team, and Italy and Serbia are just in a class by themselves and not at our level. But I guess Angola and the Philippines would be a good match-up,” he said.
Sa basketball world ranking ay nasa ranked 31 ang Gilas Pilipinas habang nasa ranked 39 naman ang Angola.
Source: https://news.abs-cbn.com/sports/09/04/19/fiba-world-cup-battered-twice-gilas-eyes-good-match-up-1st-win-vs-angola
You may like
-
Kiefer Ravena bagong ”captain” ng Gilas Pilipinas
-
HIDILYN DIAZ BINUHAT ANG 3 GINTONG MEDALYA SA WEIGHTLIFTING ROMA WORLD CUP
-
24-man Gilas pool para sa FIBA Asia inilabas na
-
CHERRY MAE REGALADO, HANGAD MASUNGKIT ANG GINTO SA 2019 SEA GAMES
-
Curry, hindi pang Hall of Fame – Jordan
-
Jason Castro, balik Gilas para sa 2019 Sea Games