Connect with us

Sports

FIBA: Gilas tanggal na sa round 2 vs Serbia

Published

on

Gilas Pilipinas guard CJ Perez tries a layup against Serbia. FIBA photo

Sa kabila ng magandang laro, tanggal na ang Gilas Pilipinas sa round 2 ng 2019 FIBA World Cup matapos talunin ng Serbia sa score na 126-67 na ginanap kagabi sa Foshan, China.

Naging malakas ang umpisa ng Gilas sa ipinakita nina nina CJ Perez at Robert Bolick ngunit mabilis na bumawi ang Serbia hanggang sa nakuha nila ang panalo na pinangunahan ng NBA star Nikola Jokic.

Dahil sa ikalawang sunod na talo ng Gilas Pilipinas kasunod ang unang laro sa Italy sa score na 108-62 noong Sabado, bigo ang Gilas na makakuha ng slot para sa ikalawang round ng FIBA World Cup.

Susubukan ng national team na makuha ang panalo kontra Angola na kanilang makakaharap sa Miyerkules, Septyembre 4 na gaganapin sa GBA International Sports and Cultural Center sa Foshan, China.

Source: https://www.rappler.com/sports/by-sport/basketball/gilas-pilipinas/239132-fiba-world-cup-philippines-serbia-september-2-2019  https://www.philstar.com/sports/2019/09/02/1948556/gilas-routed-anew-bows-serbia https://www.gmanetwork.com/news/sports/basketball/706647/gilas-pilipinas-falls-to-serbia-126-67-bows-out-of-fiba-world-cup-contention/story/

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *