Connect with us

Sports

Gilas sa FIBA: ‘May Chance Kami’

Published

on

Mark Demayo, ABS-CBN News

Kumpyansa ang Gilas Pilipinas na may tsansa sila sa FIBA World Cup matapos makita ang mga players ng Italy at Angola kasama din ang Serbia sa Group D.

Aminado naman ang national players na mas matatangkad ang kanilang makakalaban.

Ayon kay Gilas guard CJ Perez, kapag naging maganda ang kanilang laro ay magagawa nilang talunin ang mga kalaban.

“Sabi naman nila coach, ’pag bibigay namin ’yung best namin, at ’pag maganda nilaro namin, may chance kami manalo against sa kanila,”saad ni Perez

Pabor naman si Raymond Almazan sa sinabi ni Perez, aniya, naghanda naman ang koponan kaya hindi sila nawawalan ng pag-asa.

“Siguro, may chance naman tayo, kasi nag-prepare naman tayo. And then, let’s see in the game na lang sa Saturday.” saad ni Almazan

Ngayon ay nasa China na ang Gilas para sa pagbubukas ng kampanya sa FIBA World Cup sa Sabado.

Ayon kay coach Yeng Guiao, ang laban sa Italy ang pinakamahalaga kaya ito ang kanilang pinaghandaan.

Source: https://news.abs-cbn.com/sports/08/30/19/fiba-world-cup-gilas-upbeat-after-seeing-italy-angola-may-chance-kami 

https://radyo.inquirer.net/201173/gilas-kumpyansa-na-may-tsansa-ang-pilipinas-sa-fiba-world-cup

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *