Connect with us

Sports

Veteran center Dwight Howard nagbabalik sa L.A. Lakers

Published

on

Howard How Image

Nagbalik muli ang eight-time NBA All-Star at 2004 first overall draft pick na si Dwight Howard upang maglaro sa Los Angeles Lakers.

Kinumpirma ni Lakers general Manager Rob Pelinka ang pagpirma sa kontrata ni Howard bagamat hindi na nagbigay ng detalye sa kasunduan.

Ayon sa ESPN, pumayag ang player na isuko ang $2.6 milyon mula sa $5.6 milyon na sahod upang masiguro ang “buy out” ng kanyang kontrata sa Memphies Grizzles.

Ang kontrata sa pagitan ng Lakers at Howard ay tinawag na “summer contract”kung saan babayaran umano ang player ng mahigit $14,490 kada araw na maglalaro siya sa koponan.

May isang probisyon ang nakasaad sa kontrata kung saan sasagutin ng koponan na umaabot sa $6,000 kapag makararanas ng “injury” ang player.

Magsisimula siyang maglaro sa darating na October 1.

Si Howard ay nagtala sa kanyang career averages ng 17.4 points at 12.6 rebounds sa 1,044 games sa loob ng 15 seasons.

Source: https://www.gmanetwork.com/news/sports/basketball/705854/dwight-howard-clears-waivers-signs-with-lakers/story/

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *