Connect with us

Sports

Gilas Pilipinas wagi sa Fiba tune-up game laban sa Adelaide 36ers

Published

on

Photo: Gilas Pilipinas

Wagi ang Gilas Pilipinas matapos talunin ang Adelaide 36ers sa Fiba tune-up game para sa 2019 Fiba Basketball World Cup sa Meralco Gym araw ng Biyernes sa score na 92-83.

Sa pagtatapos ng laban ay gumawa ang Gilas ng 13-2 run kabilang ang dunk ni Japeth Aguilar.

Nakapagtala ang isang naturalized player Filipino na si Andray Blatche ng 19 points, 18 rebounds at 9 assists at dinagdagan naman ni Aguilar  ng 17 points, 4 rebounds at 3 blocks.

Gumawa din si CJ Perez ng 12 points habang tig-10 puntos naman ang nagawa nina Paul Lee at Roger Pogoy.

Gaganapin ang isa pang tune-up game sa Linggo kung saan maglalaro na si Kiefer Ravena matapon na i-ban sa Fiba.

Source: https://radyo.inquirer.net/200035/gilas-pilipinas-tinalo-ang-adelaide-36ers-sa-fiba-tune-up-game

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *