Connect with us

Sports

Mayweather itinanggi ang rematch laban kay Pacquiao

Published

on

Photo from the web

Itinanggi ni undefeated American pug Floyd Mayweather, Jr. ang napapabalitang negosasyon na may posibilidad na rematch nila ni reigning  World Boxing Association super welterweight champion Manny Pacquiao.

Ito ay matapos magsilabasan sa online world ang isang video na nagsasabing papunta ang American fighter sa Saudi Arabia para sa muli niyang pakikipagtuos kay Pacquiao.

Ipinahayag ni Mayweather sa video ang “it’s an honor to come to Saudi Arabia to sit down with you guys to talk about the Mayweather-Pacquiao rematch.”

Ngunit ayon kay Mayweather ay luma na ang video kung saan ginawa ito siyam na buwan na ang nakakalipas.

Tila napilitan pa umano ito na idikit ang pangalan ni Pacquaio sa naturang video dahilan na isa lamang itong promosyon para sa kanyang pagbisita sa Saudi Arabia.

Iginiit pa ni Mayweather na walang nangyayaring negosasyon para sa kanilang rematch ni Pacquaio.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2019/08/20/1944869/mayweather-nag-deny-sa-rematch-kay-pacquiao

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *