Connect with us

Sports

Petrogazz nakuha ang unang panalo kontra Balipure

Published

on

Photo from the web

Nakuha ng Petrogazz ang kanilang unang panalo kontra Balipure sa set score na 25-22, 25-18, 25-16  sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinangunahan ito ni Jeanette Panaga na nagtala nang 16 points sa pamamagitan ng kanyang 12 attacks, 3 blocks, at ace.

Ikinatuwa ito ng Angel head coach Arnold Laniog dahil alam na umano ng kanyang mga players ang kanilang mga papel sa court at magsilbi bilang support sa dalawang imports.

Samantala, makakatapat ng Petrogazz sa kanilang susunod na laban ang kanilang karibal na Creamline na may 2-0 win-loss record sa Sabado.

Source: https://news.abs-cbn.com/sports/08/18/19/pvl-petrogazz-gets-first-win-at-balipures-expense

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *