Connect with us

Sports

MORALES, NANINIWALANG SI PACQUIAO DAPAT ANG NO. 1 SA LISTAHAN NG GREATEST BOXERS OF ALL TIME

Published

on

Photo from the web

Naniniwala si Erik Morales na mas deserving sa No. 1 spot si eight-division world champion Manny Pacquiao sa listahan ng Greatest Boxers of All Time.

Kasunod ito ng inilabas na listahan ng BoxRec noong nakaraang araw kung saan pumapangalawa lamang si Pacquiao kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

Pahayag ni Morales, ‘di hamak na mas maning-ning ang karera ni Pacquiao dahil mas mabibigat na boksingero ang nakalaban nito.

Kakaiba rin umano ang tindi ng kamao ni Pacquiao na maituturing niya na pinakamalakas sa kanyang naranasan.

Magugunitang tatlong beses ng nakasagupa ni Morales ang Pinoy champion at dalawang beses siya nitong ipinabagsak.

Nakuha ni Pacquiao ang 10th-round knockout win laban kay Morales noong Enero 2006 na sinundan nito ng mas matikas na third-round knockout victory noong Nobyembre 2006 sa labang parehong ginanap sa Thomas and Mack Center sa Nevada.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *