Connect with us

Iloilo News

UNANG POSITIBONG KASO NG COVID-19 SA ILOILO, NAITALA NG DOH-6

Published

on

Mismong si Department of Health 6 Regional Director Marlyn Convocar ang nagkumpirma sa isang conference ngayong hapon na may nagpositibo na sa coronavirus disease o COVID-19 sa Iloilo.

Nasa 65-anyos ang edad ng pasyenteng nagpositibo sa sakit na taga Guimbal ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr.

Nabatid na nagkaroon ito ng contact sa kanyang kamag-anak na may travel history sa Japan.

Kasalukuyan na itong ginagamot sa Medicus Medical Center sa Mandurriao at nakatakdang ilipat sa West Visayas State University Medical Center sa La Paz district ayon kay Mayor Jerry Treñas.

Ito na ang ikalawang kaso ng COVID-19 sa Western Visayas kasunod ng unang pasyenteng nagpositibo sa Bacolod City na ngayon ay nasa stable condition.