Categories: Regional News

SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-IINA SA HAMBIL, KINASUHAN NG 3 COUNTS OF MURDER

Sinampahan na ng kasong 3 counts of Murder ang suspek sa pagpatay sa isang ina at dalawa nitong anak noong nakaraang linggo sa San Jose, Romblon.

Kinilala ni PSSgt. Van Sixon ng San Jose MPS ang suspek na si Patrick Rufino Cahilig, 35 anyos, residente ng Sitio Miason, Brgy. Busay, San Jose, Romblon na inaresto noong Enero 28, 2022.

Ayon kay PSSgt. Sixon, posibleng nagtampo ang suspek nang tanggalin ito sa trabaho bilang construction worker sa ipinapagawang bahay ng biktima.

Positibo umanong kinilala ng saksi na si Charlie Mendoza Seraspi ang suspek na kalive-in partner pala ng kanyang ina.

Si Cahilig raw ang huling nakita nito sa crime scene bago madiskubre ang karumaldumal na krimen.

Ayon pa dito, tumunog ang kadena sa likod ng kanilang bahay madaling araw ng January 25 kaya napasilip ito at nakita ang suspek na palabas ng bahay ng biktima ngunit hindi niya ito pinansin at natulog ulit.

Magugunitang, natagpuan ang mga duguan at nakahandusay na katawan ng mga biktimang sina Wielyn Maximo Mendoza, 29 anyos, anak na si TJ, 9 anyos, at kapatid nitong si JB, 7 anyos, sa loob ng kanilang pamamahay.

Ayon kay PSSgt. Sixon, hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin umaamin ang suspek sa krimen. MAS/RT

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

17 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago