Connect with us

Regional News

SAP DISTRIBUTION SA WV, 92% NA ANG NAKUMPLETO

Published

on

92.65% na ang nakumpleto ng mga local government units sa Western Visayas sa pamimigay ng Social Amelioration Program subsidy hanggang kahapon.

Ayon kay DSWD 6 spokesperson May Castillo, 100% ng nakapagbigay ang Guimaras habang nasa 95.05 ang Aklan; 96.60% ang Antique;) 98.79% ang Capiz; 82.12% ang Iloilo at 98.34% ang Negros Occidental.


Sa Iloilo ang mga LGUs na may 100% payout na ay ang: Ajuy, Anilao, Balasan, Barotac Viejo, Batad, Bingawan, Concepcion, Dumangas, Leganes, Lemery, Maasin, Mina, New Lucena, Pototan, San Enrique, San Miguel, San Rafael, Sara at Zarraga.

Ayon naman kay DSWD 6 Dir. Maria Evelyn Macapobre ang mga LGUs sa rehiyon na patuloy pa ang payout ay 24 na LGUs sa Iloilo kasama na ang Iloilo City; 14 na LGUs sa Negros Occidental kasama na ang Bacolod City; 7 sa Aklan; 2 brgy sa Caluya, Antique at Roxas City, Capiz.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.