Connect with us

Iloilo News

MORE POWER, NAMIGAY NG BIGAS SA MGA ILONGGO

Published

on

Iloilo – Nagbigay ng bigas ang MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) sa mga Ilonggo.

Sa isinagawang turn over ceremony kahapon sa Relief Operation Center sa Jaro Gym, personal na tinanggap ni city government Exec. Assistant Francis Cruz ang binigay ng MORE Power na 30 sakong bigas.


Pinasalamatan ni Cruz ang MORE Power lalo na ang presidente nito at Chief Operating Officer na si Roel Z. Castro at ang KEPCO SPC Power Corp. na nagbigay din ng tulong katuwang ang MORE Power.

Kahapon din ng umaga, nagpadala ang MORE Power ng 15 sakong bigas sa Concepcion, Iloilo at 5 sakong bigas din sa St. Paul Hospital Iloilo.

Nauna na ring namigay ang MORE Power ng mga facemasks, alcohol, sanitizers at food packs sa mga frontliners sa Iloilo.

Kasama na rin dito ang binigay ng kumpanya na 750 rapid test kits sa syudad at probinsya ng Iloilo.

Ayon kay Castro, bilang public utility, gusto ng MORE Power na bigyan ng suporta ang mga frontliners na lumalaban sa COVID 19.

Ipinasiguro ng MORE Power na magpapatuloy ang pagbibigay nila ng ayuda hanggang sa matapos ang kasalukuyang krisis.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *