Connect with us

Capiz News

MISTER NAGBIGTI-PATAY SA ROXAS CITY, CAPIZ

Published

on

Tinatayang nasa dalawang araw nang walang buhay ang isang mister na pinaniniwalaang nagbiti bago ito natagpuan ng kaniyang pamilya ngayong araw ng Biyernes.

Kinilala ang nasabing lalaki na si Noe Escosio alyas Nonong, nasa legal na edad, tubong Brgy. Cabugao, Roxas at pansamantalang nakatira sa Angel Ville, San Jose sa lungsod ding ito.

Nabatid na dakong alas-11 ng umaga nang madatnan ito ng isa niyang kapitbahay na wala nang buhay. Nasa dalawang araw na umano ang lumipas nang huli itong nakausap ang biktima.

Nabatid na dinala ng bayaw ng biktima ang dalawa nitong maliliit na mga bata para dalhin sa Iloilo habang ang asawa niya ay nagtatarabaho sa abroad.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Roxas City PNP sa sanhi ng pagpapakamatay ng lalaki.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *