Connect with us

Regional News

LTFRB, LTO, PAGMUMULTAHIN ANG MGA DRIVERS NA LUMALABAG SA HEALTH PROTOCOLS – LTFRB 6

Published

on

Pagmumultahin na ang mga drivers ng PUJs na mahuhuling sira o marumi ang kanilang plastic barriers, walang alcohol at foot bath sa kanilang sasakyan ayon kay LTFRB 6 Director Richard Osmeña.

Kinumpirma ni Osmeña na magsisimula ang enforcement operation ngayong Miyerkules, Marso 24.


Dagdag pa ng opisyal, may nakita siyang mga PUJs na walang barriers, o sira at marurumi umano ang mga ito.

Kasama sa nasabing enforcement ang Land Transportation Office at Public Safety and Transportation Management Office.

Nakasaad sa memorandum circular ng Department of Transportation (DOTr), ang multa sa mga drivers na hindi nagsusuot ng face mask, face shield, at walang alcohol ay aabot sa P5,000.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”