Connect with us

Regional News

LOLO NAG-AMOK SA QUARANTINE CHECKPOINT NABARIL NG PULIS, PATAY!

Published

on

Image│CTTO

Dead on the spot ang isang lolo matapos mabaril ng pulis sa isang Quarantine Checkpoint sa National Highway ng Brgy. Amontay, Nasipit, Agusan del Norte.

Nakilala ang biktima kay Junie Piniar, 63 anyos, hiwalay sa asawa, at residente ng Purok-4, Brgy. Camagong, Nasipit, Agusan del Norte.


Samantala kinilala naman ang pulis na nakabaril sa biktima na si PSSgt. Rolly Llones, nakadestino sa Nasipit Municipal Police Station.

Ayon kay PSSgt. Bagaipo na police Investigator, alas onse kahapon ng umaga nang nagwala at nag-amok ang matanda sa Quarantine Checkpoint bitbit ang gulok.

Pinigilan pa umano ang biktima ng ilang mga Civilian Volunteer Organization (CVO) ngunit patuloy pa rin ito sa pagwawala.

Sinubukan pa umano ni Police SSgt. Liones na pakalmahin ang biktima subalit wala itong balak sumunod, tinangka pa nitong tagain ang isang pulis at tuluyan nitong tinaga ang patrol car dahilan upang mabaril ito ng pulis.

Natamaan sa ulo ang matanda kung saan agad itong binawian ng buhay.

Kinustodiya si PSSgt. Llones ng Nasipit Municipal Police Station.

Position: Online Admin Years/background in Media works: 7 yearsWhy chose this profession:I love this job, this made me for what & who I am. Principle in life: It doesn't matter where you're from, but in choosing where you'll be & what will you become.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *