Connect with us

Iloilo News

Liquor ban sa Iloilo City, inalis na ni Treñas

Published

on

Image source| Philnews.ph

Pirmado na ni Mayor Jerry Treñas ang Executive Order No. 066 na tumatanggal sa ipinapatupad na liquor ban sa Iloilo City.

Ayon kay Treñas, wala na ang liquor ban ngunit mayroon itong mga limitasyon.


Maaari na aniyang makabili ng alak sa mga supermarkets pero bawal ang inuman sa mga pampublikong lugar at dapat na naka social distancing.

“Indi sila mag-inum sa public places. Dira lang sila inum sa sulod sang ila balay, kag limitado lang ang tawo nga makaupod nila sa pag-inum,” ani Treñas.

Babala ng alkalde, hindi siya magdadalawang isip na ibalik ang liquor ban sa oras na marami ang lumabag sa mga limitasyon.

Samantala, ipinagbabawal pa rin ang mga pagtitipon dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.