Connect with us

Regional News

Lalaki, umiskor ng droga gamit ang P6,500 na ayuda

Published

on

Isang lalaki ang inaresto sa Bacoor City, Cavite matapos mahulihan ng isang sachet ng shabu.

Ayon sa suspek na si Clark Jerel Navalta sa ulat nitong Biyernes, kakatanggap lang niya ng P6,500 na tulong pinansiyal mula sa gobyerno.

Sinabi niyang bumili muna siya ng grocery at saka bumili ng droga dahil pinapa-extra raw siya sa construction.

Para lumakas ay sinubukan daw niyang bumili ng shabu.

Dismayado naman sa ginawa ni Navalta ang local government ng Bacoor.

Nagpaalala si Mayor Lani Mercado sa mga nakatanggap ng ayuda sa Bacoor LGU na gamitin ito nang tama at huwag gamitin sa bisyo.

View image on Twitter

Article: ABANTE

Advertisement