Connect with us

Regional News

Evacuation Center Para sa mga Baboy, Baka, Atbp, Inilunsad ng ATI sa Region 6

Published

on

Livestock Evacuation Center
Larawan mula sa ATI Region 6 https://ati.da.gov.ph/

Ano ang gagawin mo kung nakikita mong nalulunod ang alaga mong baboy dahil sa malakas na ulan at pagbaha?  Siyempre, sasagipin mo, di ba?

Pero paano kung kailangan mo nang lumikas at pumunta sa isang evacuation center?  Isasama mo ba ang baboy mo, o Iiwan na lang ang alaga mo?


Ito ang kadalasang suliranin ng mga magsasaka sa Barangay Cogon sa Sigma, Capiz tuwing may bagyo o sakuna.  Nagdadalawang isip silang sumunod sa mga evacuation protocols ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sapagkat inaalala nila ang kanilang mga bahay at pinagkukunan ng kabuhayan na kadalasan ay mga livestock.

“Sa ti-on sang baha, ang mga pumuluyo nagahambal, hindi namon pagbaya-an ang amon kasapatan. Maano na lang kami pagkatapos sang baha kung wala na kami pangabuhi-an?”(Tuwing bumabaha, sinasabi ng mga tao na hindi nila maiwan ang kanilang mga alaga.  Inaalala nila kung ano ang magyayari sa kanila pagkatapos ang baha kung wala na silang pagkakakitaan) ani Speed Pelaez, Sangguniang Bayan member at dating Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer ng lalawigan ng Capiz.

Upang mapangalagaan ang mga baboy, manok, baka, kalabaw, kambing, at iba pang mga alaga ng mga magsasaka sa panahon ng sakuna, isang makabagong ideya ang isinakatuparan ng Agricultural Training Institute (ATI) Region 6 — ang kauna-unahang ATI-Climate Resilient Agriculture (CRA) Livestock Evacuation Center sa Western Visayas.

Ang CRA Project ng ATI Region 6 ay naglalayong matulungan ang mga vulnerable communities sa rehiyon.  Isa sa kanilang natukoy na nangangailangan ng ayuda ay ang Barangay Cogon kung saan tinatayang halos 90 porsento ng kanilang mga palayan ang nalulubog sa baha nang isa hanggang dalawang lingo tuwing may bagyo.

Nagsagawa ang ATI ng mga konsultasyon kasama ang mga expert at project beneficiaries ng CRA.  Base sa resulta ng mga pagpupulong, makatutulong ang pagtatayo ng isang evacuation center para sa mga livestock upang mapadali para sa mga magsasaka na sagipin ang kanilang  mga alagang hayop.  Hindi pa umano magdadalawang-isip ang mga magsasaka na lumikas  agad sa tuwing bumabaha.

Nakipag-tulungan ang CRA project team sa National Livestock Program (NLP) ng ATI kung saan nagpalabas ng pondo at technical assistance ang ATI upang agad na mapagawa ang evacuation center.

Kaya naman, bilang bahagi ng ika-34 founding anniversary ng ATI Region 6 at sa pangunguna ng Center Director na si Dr. Eden DLR Bautista, inilunsad ang Livestock Evacuation Center noong Enero 29, 2021 sa Barangay Cogon.  Kasama sa mga dumalo sa facility blessing at ribbon-cutting ceremony ang mga lokal na kawani ng Municipal Agriculture Office ng Sigma LGU,  mga opisyales ng barangay, mga miyembro ng Cogon CRA Farmers Association and mga kawani ng ATI.

Binigyan-diin ng Project Officer ng CRA na si Vianney T. Ojerio na ang evacuation center ay isang multi-purpose facility kung saan maliban sa pagiging isang evacuation center ay magsisilbi rin itong farmers’ center tuwing tag-araw.  Maaari umano itong pagdausan ng mga pagpupulong, mga seminar o training, at iba pang mga community events.

Sa mensahe ni Dr. Bautista, sinabi niya na “in adversity, there is an opportunity.”  Pinaalalahanan niya ang mga magsasaka na ang pagkakaroon ng magandang kalooban at  positibong pananaw ay mahalagang sangkap upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na kinakaharap sa buhay,  lalo na ang palagiang pagbaha at ang CoViD-19 pandemic. Hinikayat niya rin ang mga magsasaka na maging matatag at positibo.  “Climate change is already here; it cannot be changed. This implied that we must adjust and adapt, and strengthen our resiliency,” dagdag pa ni Bautista.

Ang evacuation center ay itinayo sa isa sa mga pinakamatataas na lugar sa barangay.  Kaya nitong tumanggap ng mula anim hanggang sampung mga inahing baboy na evacuees.  Ito ay pamamahalaan at pangangalagaan ng mga CRA Farmers Associated at pangangasiwaan ng ATI Region 6 at Municipal Agriculture Office ng Sigma.

Source: https://ati.da.gov.ph/

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *